1.6.9


Quick Nav


 

Mga Dapat Tandaan Kung Bibili ng Bahay at Lupa sa Isang Broker o Developer

Kapag Bibili na

1. Alamin kung kaya ng budget nyo ang equity at buwanang hulugan.
2. Alamin kung hinde substandard ang materyales ng bahay, at ito ay sang-ayon sa approved specifications. (Makikita sa project docket sa HLURB)
3. Alamin ang mga basic necessities kagaya ng ilaw at tubig, drainage, open space, etc.
(Makikita din sa project docket sa HLURB)
4. Alamin kung kasama sa presyo ng housing unit ang halaga ng water system at kung sino ang magpapatakbo nito, electric meter, pagpabakod ng proyekto, etc.
5. Alamin kung isa lang kayong magmamayari nito, at hinde nabenta na sa iba ang property.
6. Tiyakin na ang contract to sell ay irerehistro ng developer sa Registry of Deeds.